He’s Into Her Season 1 by Maxinejiji (chapter 1-94) 

He’s Into Her Season 1 Book Cover

Favorite Lines:

“Basura ako para sayo pero kung alamin mo ang detalye ng pagkatao ko daig mo pa ang numero unong tagahanga ko”-Maxpein Del Valle


“Tch! I don’t hate her! I just don’t like her! Does that mean that I love her?! No way! She doesn’t have the looks, the body, brain, humor and everything! She doesn’t even have money, to buy her own needs and in my eyes, she’s nonsense”-
Deib Lohr Enrile


Synopsis:

   Masaya at madali lamang ang buhay para isang Deib Lohr Enrile, na hinahangaan ng napakaraming babae dahil sa hitsura niya at bukod doon ay wala na. Halos ang lahat ay nasa kanya na, mapagmahal na pamilya, maunawain at maaasahan na mga kaibigan, talento, talino, magandang itsura, pera, kasikatan, magagarang damit, kayabangan, kaaway, at ugaling medyo may kasamaan. Mahilig siyang mangbully para lang mapasaya ang sarili. Kilala bilang Campus Enemy Number One dahil sa angking talento sa pang aasar sa mga baguhang estudyante na papasok sa paaralang pag aari rin naman ng kanilang pamilya. Sikat siya sa mga babae pero hindi dahil crush siya ng mga ito, kundi dahil takot silang mapag TRIP an. Para sa kanya ay mabait pa rin naman siya, huwag mo lamang siyang aasarin. 
   Sa kagustuhang sagotin ng babaeng dalawang taon na niyang nililigawan ay nangako siya sa sariling magbabago at titigilan ang pagiging BULLY. Ganoon siya kadesididong maging nobya si Kimeniah, ang babaeng pinapangarap niya. Maganda, mabait, matalino at mayaman. Kung hindi lamang maliit ito ay mukha na siyang perpekto. 
   Ngunit sa pagpasok ng huling taon niya bilang High School Student ay nagawa niyang sirain ang sariling salita. Nakilala niya ang kauna-unahang tao na naglakas loob na patulan ang mga kalokohan niya. Ang taong kinamumuhian niya ng higit pa sa inakala niya. Ang taong nagawang baguhin ang mga pananaw niya sa buhay ng dahil lang sa hindi makatwiran nitong prinsipyo. 
   Siya ba ang gumulo ng buhay nito? O ito ang gugulo sa buhay niya? 
   Isang tao na kinamumuhian niya ngunit may pagkatao na hindi niya mahulaan. 
   Ang babae na makapagpapatunay sa kaniya na  hindi lahat ng taong gusto mo ay mahal mo. 


Review:

   Omo 😲😲😲, My gash. Eto talaga yun eh. Ang galing galing galing ng author neto (Maxinejiji). Eto yung kwento na mapapasabi ka “last chapter na talaga to tas matutulog na ko” tas maya maya dahil nacucurious ka mapapa “last na talaga pramisss” 😂😂 ang ending di na ko nakatulog dahil 5 am na at pang-umaga ang pasok ko. Grabe hindi ko mapigil yung sarili ko na huwag basahin dahil feeling ko ako yung nasa kwento at nauudlot yung buhay ko dahil ang daming istorbo hahahaha. Kung ire-rate ko to ng mga 1-10, mga 15 ganon 😂😂. Ang cool pa ni Maxpein 😎😎. Nakakaloka yung ugali niya, (siya talaga ang reason kung bakit di ako nakatulog ng ilang araw, hindi ko kase mahulaan yung mga sekreto niya eh 😂) tapos… tapos ang talino pa niya, naiinspired tuloy akong mag-aral (PERO IDOL KO SI CHUPAN EH hahahaha.. taob nga lang siya kay Pein hahaha). Nakaka amaze din yung friendship nila ni Naih. Hindi daw sila mag bestfriend pero walang iwanan till kamatayan. Char 😂😂. (Nga pala pag nagkita kami ni Deib ako na ang bubugbog sa kanya dahil nambubully siya ng babae 😂😂). Can’t wait to read season 2. Mag start na din kayong basahin to dahil ako na mag sasabi sa inyo KAILANGAN NIYO NG MAHABA-HABANG ORAS DAHIL SOBRANG IKSI NETO 😂😂.. 

My wattpad username: HzlXXVII 

Advertisements

​His Possessive Ways by MarcoJose

His Possessive Ways Book Cover

Favorite Lines:

“That’s the reality of fear. You are not afraid to love, you are just afraid of not being loved back.” – Raisse Miracle Marquez

“Nasasaktan ako kapag binabaliwala mo ako Raisse, ayoko ng ganun. Gusto ko nasa tabi lang kita, gusto ko yakap yakap lang kita at gusto kong akin ka lang Raisse, akin ka lang.” – Greg Joseff Montemayor
Synopsis:

Are you prepared to fight for your own feelings for someone even though you know you can’t?
Review:

Ang cute ng story na to 😂. Captain ng Basketball versus Captain ng Volleyball. Isa sa halimbawa ng mga istoryang ‘the more you hate, the more you love’ ang drama. Kahit bangayan ng bangayan sa simula, mahuhulog din pala sa isa’t-isa 😂😂. At tsaka ang kulit ni Greg , namimiss ko na agad yung mga kalokohan niya. Kahit mabilis ung takbo ng kwento, sulit pa din yung oras na ginugol ko sa pagbabasa. 

My Wattpad Username : hzlXXVII

​Just This Once by Beeyotch

Just This Once Book Cover

Favorite Lines:

“A bad day ends in 24 hours, you can always start tomorrow” – Parker

“For once, I wanted him to feel what it feels like to be the choice and not just a mere option” – Genesis

“There’s this thing called future, why would you look back if you can look forward”– Maven
Synopsis:

I found him when he was lost.

He found me when I was ready to give up.
Review:

Sa wakas 😂😂😂.. nabasa ko na din yung kay Parker. Kawawa naman to ilang istorya na nagdaan hindi nabigyan ng leading lady 😂😂.( Dapat kasi ako na lang eh 😂😂). Sulit na sulit talaga yung basa ko dito ang ganda ganda ganda ko este ng story pala. Ako lang ba?? O talagang nakakaiyak talaga siya, kase naman ang tagal niya pang naghintay ulit bago sila mag end up together, sayang yung mga panahon na sana nadadagdagan yung mga masasayang memories nila. Ang hirap na kayang humanap ng gaya ni Parker . Yung kaya kang piliin kahit ano pang kapalit, yung maghihintay sayo kahit gaano ka pa katagal bumalik, yung mamahalin ka pa rin sa kabila ng hindi mo pagpili sa kanya kaya kahit na may topak yung mga ganitong Parker nakakakilig naman pag sila na yung nagiging sweet. (Dear Bro, enge ako parker😂😂 kahit isa lang. )
My Wattpad Username: HzlXXVII

Just The Strings by Beeyotch

Just The Strings Book Cover

Favorite Lines:

“The future scares me, Everything about the future scares me” -Mary Imogen Suarez

“Stop crying, It’s unfair. You don’t get to cry when all you’ve done is lie to me” – Saint Iverson Gomez de Liano

“What I can’t wrap around my head is that when I needed a friend… you weren’t there. I just needed someone, Imo. I just needed someone to talk to. I didn’t need you to love me. I just need you to be my friend… pero hindi mo ginawa” -Parker Adrian Palma

Synopsis:

Sabi nila, para daw ako sa kanya… Pero paano kung hindi naman siya para sa akin?

Review:

Abangers talaga ako sa kwento ni Parker eh 😂😂. Akala ko nga siya na yung bida, gigil niya din ako dito eh pero narealize ko si MARY ay para kay SAINT epal lang si PARKER. Ang ganda ng story na to, siguradong makakarelate ang marami. Kasi sa panahon ngayon marami ng nagmamahal pero hindi mahal ng taong mahal nila. O di kaya’y pinagtagpo lang pero hindi itinadhana. May darating talagang isang tao na para sayo, yung mamahalin ka gaya o higit pa sa pagmamahal mo, yung uunawain ka kahit may mga pagkakamali ka, yung kahit sukuan mo na mahal na mahal ka pa rin niya. (Ang drama ko 😂😂😂 wala namang lablyf hahahaah). Sa part naman ng mga gaya ni Parker na minahal noon pero nagmahal ng iba tapos nung nakahanap na ng bagong mamahalin yung dating nagmahal sa kanila , yun naman yung mamahalin nila… so ano to mga pabebe lang kayo 😂😂😂 jk.. gusto hinahabol tas pag hindi na , kayo naman ang maghahabol hahahahaha.. aso lang besss 😂😂😂… (jk lang lab ko si parker para sa mga kagaya niya to). So basa basa din , maganda to promis. Huntingin niyo yung author tas hingi niyo ako autograph 😂😂 … 

My Wattpad Username: hzlXXVII

Just The Benefits by Beeyotch

Just the Benefits Book Cover

Favorite Lines:


“Some people just fall out of love and it’s no ones fault. Life goes on and so should we. We may find love soon but if we don’t, there are always plenty of reasons to cherish life”
-Imogen

“Pwede bang kahit wala na ako mahal mo pa rin ako? Kahit konti lang, kahit dun lang sa gilid ng puso mo ayos na ako. Basta lang may lugar ako “
-Parker

“Sorry din… Hindi ko naman ginusto na magkagusto sa’yo. Nangyare lang. Pasensya na kung nahihirapan ka dahil sakin”
-Shiloah

Synopsis:

Because strings mean more hurting… so you just want the benefits.

Review:

    Ang “Just The Benefits” ay sobrang ganda. Parang pag nakilala mo si Shiloah, iisipin mo wala ng lalake na kagaya niya. Lalo na sa panahon natin ngayon. All girls will love his personality except dun sa part na naging manloloko siya. Pero grabe siya magmahal, pati ako nasasaktan para sa kanya. 
   Gigil din ako ni Parker dito nung una. Sarap talaga niyang bugbugin eh. Pinagmukha niyang tanga si Imo 😢😢. Ang hirap kayang maghintay, umaasa kang darating yung taong nangako sayo pero hanggang hintay ka na lang. But in the end kay Parker ako pinakamaraming iniyak. Nahirapan akong pumili kung sino ang gusto ko para kay Imo. (Kasi naman author, masyadong ginalingan 😂😂😂).
   Isa pa to si Imogen eh. Kung totoong tao lang to ako na sumabunot dito eh 😂😂. Ilang beses nasaktan si Shiloah ng dahil sa kanya. Gaya nga ng quotes na nabasa ko kay mareng peysbuk “Kung nasasaktan ka, wag ka daw mang gamit ng tao dahil pati siya ay masasaktan din” masyado ka namang mabait kung pati sakit na nararamdaman mo ishi-share mo pa sa iba. 😂😂😂
   But then wala ako sa posisyon para husgahan ang pagkatao nila dahil una sa lahat love na love ko tong story na to. (Ibabalot ko si Shiloah tas reregalo ko sa sarili ko 😂😂😂), pangalawa kwento lang to kaya mukha akong tanga kung seseryosohin ko to masyado and lastly, hindi ako ang nasa kalagayan nila para punahin ang mga desisyon nila. Lahat ng tao may kanya kanyang pinag-dadaanan at may kanya kanya ding pamamaraan kung paano ito lalagpasan. Iba-iba din ang klase ng pagmamahal gaya ng nangyare sa kwentong ito. 

**May love na gagawin lahat kahit buhay ang naging kapalit. 


**May love na napapagod din at mas gugustuhing itigil na lang.


**May love na ipinaglalaban kahit mali na ang pamamaraan.


**May love na naghihintay hanggang sa pwede na.


At higit sa lahat…


**May love na mapagparaya at pipiliing mas maging masaya ang taong mahal mo ng sobra kahit sa piling na lang ng iba.

If I loved this story , I know you’ll love this too. So read this and fall in love too. 😂😂😂. ENJOYYYY .. AND HAPPY NEW YEAR EVERYONE 😙😙😙🎉🎉.

My Wattpad Username: hzlXXVII

REVIEWSSSSSSS….. 

Ang dami ng tambak sa draft ko 😂😂😂… (Kakure an signal ha province eh)😂 Ako’y mag babawi sa aking mga review about sa mga story sa wattpad…I-wait lang mga BESSSSSS.. 😂

​My Husband is a Mafia Boss by YanaJin

My Husband is a Mafia Boss Book Cover

Favorite Lines:

“Amin na kasi yung mapa, para makauwi na ako”-Aemie Ferrer

“I won’t leave you unless you want me too” – Ezekiel Roswell

Synopsis:

   Si Girl- may pagka-childish, slowpoke, exaggerated mag-isip, accident prone, sweet, mabait, super friendly, hindi nauubusan ng energy, positive thinker pag dating sa mga problema.

Si Guy- mature, seryoso, hindi ngumingiti, bossy, masungit, snob, magaling maghandle ng mga bagay, a perfect decision maker, hindi nakikipag-kaibigan, lahay tinuturing niyang competitors/kaaway.

What if magtagpo ang landas nilang dalawa? At magkaroon ng biglaang kasal dahil sa di inaasahang pangyayari?

Are they going to prove na total opposite attracts?

O maghihiwalay din sila in the end?

Paano pakikisamahan ni girl ang asawa niyang mafia boss?

Matagalan kaya ng isang mafia boss ang asawa niyang slow?

Review:

   MHIAMB is one of my most favorite story here in wattpad society. Eto yung kwentong pinagmukha akong baliw sa harap ni mama at sa lahat ng taong nakasakay sa jeep 😂😂😂. Grabe yung kahihiyan na inabot ko dito. Ang dami kong tawa. Seryoso at hindi ko yun nabilang. Mga lagpas 100 siguro ?? 😂😂😂. Ang galing talaga ng pagkakasulat sa kaniya. Masyadong nakakaaliw, na nakakatuwa , na nakaka amaze dahil ang astig ng mga fight scenes. At eto pa lang ang story na nabasa ko na pati alagang pusa at aso(Amiel and Eisz) ay may POV. Pati dinaig pa ni Aemie si Dora dahil kailangan palagi ng mapa.

   Nakotongan ko nga kapatid ko dahil inistorbo niya kong magbasa eh 😂😂. Ang dami pang lessons na makukuha, hindi lang pang pamilya kundi pang friendship at pang puso din. As in, di talaga kayo magsisisi pag nabasa niyo to… 😂😂 pero goodluck sa utot niyo pag pigil pigil sa kakatawa 😂😂😂.

My wattpad Username: hzlXXVII

​Hell University by KnightInBlack

Hell University Book Cover

Favorite Lines:


“I’ll fight, but not just for myself or for my friends. I’ll also shed every blood I have for you until I drown, and until I die, my king”
– Zein Shion

“As long as I am breathing, you are safe. I am Ace Craige, your shield, your bulletproof, your knight… my queen.”
-Supremo Ace Craige

Synopsis:



A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything will blur. A lot of secrets are being hid.
Not the typical school to have fun.
Death is everywhere.
Bad, worse, worst, monster and evil arr scattered.
Must shut your mouth, never against to anyone.
“Once you enter, there’s no turning back.”
Never trust your curiosity, it could just drive you straight to hell.
WELCOME TO HELL UNIVERSITY

Review:

Hell University is one of the stories na hindi ko binasa agad kahit marami nang nagsabi sakin na maganda to. Nung una naiinis pa ko kasi hindi talaga pumapasok sa panlasa ko hanggang umabot sa point na tinamad akong magload at wala nang laman ang library ko kundi itong istorya na to. At first para lang akong napilitan pero katagalan habang nagbabasa , I have this feeling na hindi ako makakatulog kapag hindi ko pa nalaman ang susunod na mangyayari. Yung tipong napapaisip ka kung sino ba ang kalaban? Sino ba ang pumatay? Sino ang pinakapowerful? At kung may taksil ba sa kanilang magkakaibigan? Yung kahit ako parang nawalan ng tiwala eh. Ganun yung feeling 😂😂. Kinikilig din ako kay Supremo eh 😂😂 kaya tinapos ko na lang. Medyo nakulangan lang ako sa ending pero maganda pa rin siya. I’ll recommend this story para naman mafeel niyo din yung nafeel ko habang binabasa to. 

My Wattpad Username : hzlXXVII

​Captivated by Tyrone Greene by Fedejik

Captivated by Tyrone Greene Book Cover

Favorite Lines:

“Kahit na gusto kong maniwala kay Ty na ako lang ang mahal niya, natatakot pa rin akong maagaw siya ng iba. Sobrang mahal na mahal ko na kasi siya eh. Pero ayoko rin namang may mamiss si Ty sa kabataan niya. Yung i-enjoy yung ibang tao bukod sa aming dalawa”– Jordan Gonzales

“Believe me babe basta gusto ko, wala na akong pakialam kung ano ang mayroon at wala siya”– Tyrone Greene

Synopsis:

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki man siyang mabuting anak, taglay pa rin niya ang kasupladuhang pinangingilagan ng lahat wala din sa bokabularyo niya ang magseryoso sa babae hanggang sa makilala niya ang pinsan ng kanyang kaibigan na si Jordan. Si Jordan ang kabaliktaran ng pinapangarap niyang babae pero tuluyang bumihag ng kaniyang puso. Ang babaeng handa niyang pag-alayan ng lahat pero sa bandang huli’y siya rin palang makakasakit sa kanya.

Review:

   This story is so amazing. Sa simula pa lang nag-eenjoy na ako ng sobra. Napagkamalan ba namang bakla yung Bebe Jordan ko eh ang pogi pogi nun tapos ang hot pa 😂😂. Anyways high ways, marami kang mapupulot na aral dito. About acceptance(hindi sexual preference ni Ty ang tinutukoy ko) , pagiging understanding, pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pamilya, pagbibigay value sa friendship at pagmamahal na “gagawin ang lahat masunod ka lamang” (palabas yun diba 😂😂). So ayun, maganda to promise , kahit hindi niyo pa nababasa yung story ng parents ni Tyrone na sina Sebastian and Adison ay maiintindihan pa din ang kwento. 

My Wattpad Username : hzlXXVII

Create a free website or blog at WordPress.com.

Up ↑